Napakarami kong nais gawin,Ibig kong sumulat ng mga kantang aking pasisikatin.Iba’t ibang pelikula, gusto kong panoorin,Napakarami kong hilig, hindi ko alam ang uunahin! Nais kong sa baybayin maging bihasa,Nasa isip ko rin ang pag-aaral ng wikang banyaga,Bahasa Indonesia, Thai, at Espanyol aking nasimulan.Naparami kong hilig, ngunit hindi ko mapanindigan. Gusto ko aralin ang sulatin naContinue reading “Hilig ᜑᜒᜎᜒᜄ᜔”
Category Archives: Uncategorized
Panibagong Kwento (2020) ᜉᜈᜒᜊᜄᜓᜅ᜔ ᜃ᜔ᜏᜒᜈ᜔ᜆᜓ
Narito nanaman ako sa panibagong panimula,Panibagong binibini, natanaw ko sa madla.Kaniyang pagdatal sa’king buhay ay ‘di kapani-paniwala,Sa kaniyang mga ngiti’y ika’y ikukulong, sadyang napakadaya! Wala siyang lihim, lahat ay kaniyang iniuulat.Siya ang dahilan kung bakit ko ito sinusulat.Siya ang paksa, siya ang introduksyon.Sa masalimuot kong mundo, siya ang solusyon. Isa ba siyang diwata o prinsesa?MarikitContinue reading “Panibagong Kwento (2020) ᜉᜈᜒᜊᜄᜓᜅ᜔ ᜃ᜔ᜏᜒᜈ᜔ᜆᜓ”
Pilipinas: Bansang Marahas (2016) ᜉᜒᜎᜒᜉᜒᜈᜐ᜔: ᜊᜈ᜔ᜐᜅ᜔ ᜋᜇᜑᜐ᜔
Baril na kargado ng tatlong bala,Tinutok, pinutok, sa ulo ng kaniyang ama.Sila’y nagulat, nagulantang sa nakita,Pinatay ang kanilang ama sa mismong harap nila. Dugo’y umagos sa kalsada,Mga tao’y nakiusyoso na.Mata ng naulila’y lumuluha,‘Di mapakali, ‘di makapaniwala. Kung sino pang kumitil,Siya pa ang may parangal.Kung sino ‘yung walang habas na binaril,Datingan ay siya pa ang nasasakdal.Continue reading “Pilipinas: Bansang Marahas (2016) ᜉᜒᜎᜒᜉᜒᜈᜐ᜔: ᜊᜈ᜔ᜐᜅ᜔ ᜋᜇᜑᜐ᜔”
Sino Ang Good Boi??? ᜐᜒᜈᜓ ᜀᜅ᜔ ᜄᜓᜇ᜔ᜊᜓᜌ᜔???
Nasa ikawalong baitang ako noong dumating sa buhay ko ang isang purong itim, at saksakan ng ka-‘cute’-an na si Segi. Siya ang isang labrador na nanggaling sa kumpare ng aking ama. Mahilig ang aking pamilya na mag-alaga ng aso, kaya’t hindi kami nag-atubiling arugain ang nasabing tuta. Siya ay ang ika-sampung asong inalagaan namin mulaContinue reading “Sino Ang Good Boi???
ᜐᜒᜈᜓ ᜀᜅ᜔ ᜄᜓᜇ᜔ᜊᜓᜌ᜔???”
Ang Masalimuot na Kwentong Pag-ibig ni Sergio: Huling Kabanata
ᜀᜅ᜔ ᜋᜐᜎᜒᜋᜓᜂᜆ᜔ ᜈ ᜃ᜔ᜏᜒᜈ᜔ᜆᜓᜅ᜔ ᜉᜄ᜔-ᜁᜒᜊᜒᜄ᜔ ᜈᜒ ᜐᜒᜇ᜔ᜑᜒᜌᜓ ᜑᜓᜎᜓᜅ᜔ ᜃᜊᜈᜆ “Ah, si mommy? Grazilda.” sagot ni Graciel. “Aba! Kapangalan nung kapatid ko ah” napatawa nang bahagya ang binata. “Tagal ko na ring hindi nakikita si ate, nagtatago siya samin ni mama e” muntik na magdrama si Sergio, buti nalang ay hindi nakikinig sa kaniya si Graciel.Continue reading “Ang Masalimuot na Kwentong Pag-ibig ni Sergio: Huling Kabanata”
Ang Masalimuot na Kwentong Pag-ibig ni Sergio: Kabanata III
ᜀᜅ᜔ ᜋᜐᜎᜒᜋᜓᜂᜆ᜔ ᜈ ᜃ᜔ᜏᜒᜈ᜔ᜆᜓᜅ᜔ ᜉᜄ᜔-ᜁᜒᜊᜒᜄ᜔ ᜈᜒ ᜐᜒᜇ᜔ᜑᜒᜌᜓ ᜁᜒᜃᜆ᜔ᜎᜓᜅ᜔ ᜃᜊᜈᜆ “Nakakausap mo pa si Markie?!” pasigaw na tanong ni Sergio. Nagulat si Graciel at nabitawan ang coke float, natapunan tuloy ang paborito niyang long socks na stripes. “Ayan! Natapon tuloy! Bwiset! Tsaka ano ba meron kay Markie?! AYLABYU lang naman ‘yun ah! Hindi naman I loveContinue reading “Ang Masalimuot na Kwentong Pag-ibig ni Sergio: Kabanata III”
Ang Masalimuot na Kwentong Pag-ibig ni Sergio: Kabanata II
ᜀᜅ᜔ ᜋᜐᜎᜒᜋᜓᜂᜆ᜔ ᜈ ᜃ᜔ᜏᜒᜈ᜔ᜆᜓᜅ᜔ ᜉᜄ᜔-ᜁᜒᜊᜒᜄ᜔ ᜈᜒ ᜐᜒᜇ᜔ᜑᜒᜌᜓ ᜁᜒᜃᜎᜏᜅ᜔ ᜃᜊᜈᜆ Natunton ni Sergio ang lugar na pinagmumulan ng tunog. Nag-eensayo nga ang drum and lyre. Lumibot ang kaniyang mata, hinanap ang kinaroroonan ni Graciel. Pumuso ang mga mata nito nang makita ang babae. Si Graciel ay isang maliit, cute, parating nakatrintas ang buhok, at sa kasalukuyanContinue reading “Ang Masalimuot na Kwentong Pag-ibig ni Sergio: Kabanata II”
Ang Masalimuot na Kwentong Pag-ibig ni Sergio: Kabanata I
ᜀᜅ᜔ ᜋᜐᜎᜒᜋᜓᜂᜆ᜔ ᜈ ᜃ᜔ᜏᜒᜈ᜔ᜆᜓᜅ᜔ ᜉᜄ᜔-ᜁᜒᜊᜒᜄ᜔ ᜈᜒ ᜐᜒᜇ᜔ᜑᜒᜌᜓ ᜂᜒᜒᜒᜈᜅ᜔ ᜃᜊᜈᜆ Isinulat noong Setyembre 2018 “Ilang minuto nalang, magbebell na!” anas ni Sergio sa sarili. “Sa wakas ay makikita ko na ulet ‘yung nililigawan ko!” napangiti ang binata sabay tuon ulit ng atensyon sa kaniyang propesor. Si Sergio ay isang college student sa isang unibersidad. Siya ayContinue reading “Ang Masalimuot na Kwentong Pag-ibig ni Sergio: Kabanata I”
Pagkahumaling Sa Katutubong Sulatin
Kung inyong mapapansin, halos lahat ng aking inililimbag dito sa WordPress ay may halong alibata o baybayin. Ang alibata ay katutubong sistema ng pagsulat ng mga Pilipino. Kailan ko lamang ito natutunan at agad nitong nakuha ang loob ko. Ano nga bang mayroon dito at labis kong kinahuhumalingan? Siguro, dahil hilig ko ang matuto ngContinue reading “Pagkahumaling Sa Katutubong Sulatin”
Rosas ᜇᜓᜐᜐ᜔
Isinulat noong Nov. 2019 Malayo pa ang Pebrero, pero nahumaling ako sa’yo. Nagdulot ka ng samyong hindi kailanman maibibigay ng ibang bulaklak. Kaya labis kitang itinangi, pagdating mo’y nakagagalak. Wala kang pain, pero agad mo akong nabingwit. Hindi nagdalawang-isip, loob ko’y napalapit. Hindi ako mahilig sa bulaklak, hindi ko rin hilig ang pula. Ngunit pakitungoContinue reading “Rosas ᜇᜓᜐᜐ᜔”